Beef with Broccoli - Authentic Hong Kong Style

Image
Authentic Hong Kong Beef with Broccoli Beef with Broccoli is one of the most beloved staples of Cantonese home cooking and restaurant menus worldwide. Unlike heavier versions, the authentic Hong Kong style focuses on perfectly tender beef that melts in your mouth, paired with bright, crisp broccoli florets, all coated in a deep, savory sauce that highlights rather than overwhelms the fresh ingredients. Fast to cook, balanced in flavor, and comforting with every bite, it is the ultimate go-to stir-fry for any meal. ⏱️ Recipe Overview Prep Time: 20 minutes Cook Time: 10 minutes Total Time: Around 30 minutes Yield: 3-4 servings 🛒 Ingredients Beef & Tenderizing Marinade 350 g (12 oz) beef sirloin, flank steak, or tenderloin ½ tsp baking soda 1 tsp light soy sauce 1 tsp Shaoxing rice wine 1 tsp cornstarch 1 tsp cold water 1 tsp neutral oil Vegetables & Aromatics 400 g (14 oz) fresh broccoli, cut into florets 2 cloves garl...

ANG ALAMAT NG LUYA (ALAMAT)

Illustration of the Filipino folktale ‘Ang Alamat ng Luya,’ showing its characters and origin story, along with its moral lesson — full story and analysis on Filesishare.

"PAKSA: GUMAWA NG SARILING GAWANG ALAMAT"

ANG ALAMAT NG LUYA


Noong unang panahon, may mag-asawa na nakatira sa isang kabundukan. Matagal-tagal din sila bago nagka-anak. Dumating ang araw, nagbunga ang kanilang pagmamahalan at nabigyan sila ng isang anak, si Aliya. Dahil dito bumaba sila ng bundok para doon na manirahan sa kanayunan.

Si Aliya ay lumaking maganda, mabait at masunurin na bata. Higit sa lahat, si Aliya ay biniyayaan nang napaka-gandang tinig. Ang lahat ay nabibighani sa tuwing naririnig siyang umawit. Madalas siyang nakukuhang panauhin upang kumanta sa mga palatuntunan o kapistahan na idinaraos sa kanilang nayon.

Subalit sa kabila ng mga magandang katangian na mayroon si Aliya, ito ay may kapintasan din. Mabibilog ang mga daliri ng kanyang mga paa at may bukol-bukol pa. Madalas siyang tinutukso ng mga taong nakakakita dito. Mga taong walang pakundangan sa nararamdaman niya na may halong inggit.

Dahil dito, habang nagdadalaga si Aliya, hindi na niya masakyan ang panunukso ng mga tao. Lubos niya itong dinamdam. Hindi na siya lumalabas ng bahay o ang makihalubilo kahit sa kanyang mga kaibigan. Madalas na siyang nakikita sa kagubatan at doon na namalagi sa dati nilang tahanan. Hanggang isang araw, hindi na siya nakita ng kanyang mga magulang.

Lumipas ang mga araw, wala ng Aliya ang nakita pa. Nagbaka-sakali ang kanyang magulang na balikan si Aliya sa tahanan nila sa kagubatan. Laking gulat nila sa pagbalik, may isang halaman ang tumubo sa gilid ng kanilang kubo. Laking mangha nila nang hinukay nila ang halaman. Paano ay parang mga paa ni Aliya ang itsura ng bunga nito. Natuklasan din nila na nakapagpapaluwag ng lalamunan ang sabaw ng bunga kapag inilaga. Lumaon ay natuklasan pa nila na maganda sa boses ang pag-inom sa sabaw nito.

Dahil doon ay tinawag na Aliya ang bunga para sa ala-ala ni Aliya. Lumipas ang maraming mga taon ay naging luya na ang pangalan nito.
 
 


Popular posts from this blog

ACKNOWLEDGEMENT RECEIPT (Sample)

CS Form No. 211 Revised 2025 Medical Certificate (XLS Download)

AFFIDAVIT OF NON-OPERATION - Business (Sample)